Paano Nga Kaya?

Nitong mga nakaraang araw, madalas kami sa UP Diliman ng mga matatalik kong kaibigang sina Elcee at Pia. Inasikaso kasi namin yung thesis namin. Nung unang araw, kumain sa Chocolate Kiss kung saan panalo ang pagkain at ang feel ng lugar; nung ikalawang araw, sa UniversiTEA (pero hindi ako bumili) at sa sikat na sikat na isawan ni Mang Larry.

Syempre kumakain kami habang nag-uusap, at napagkwentuhan namin ang sosyal na buhay (social life, pasensya na sa pangit na salin haha) ng mga organisasyon ng mga mag-aaral sa UP, at kung gaano kaiba ito sa mga organisasyon ng Ateneo. Hindi lang yun, napuna rin pala nila ang isang malaking reklamo ko sa Ateneo: Bakit walang tumatambay sa mga fields

Yun pa naman ang imahe ng kolehiyo sa akin noong nasa hayskul pa lang ako. Pero hindi ako nagrereklamo sa unibersidad ko. Mahal ko ang Ateneo, at hindi ko pinagsisisihan ang desisyon kong manatili dito.

Oo, may decision-making na nangyari. Kasi ang orihinal ko namang plano nang tumuntong sa Ateneo e maki-aral doon. Balak ko sanang lumipat sa UP sa ikatlong taon ng kolehiyo para naman credited at hindi sayang ang unang dalawang taon na nagbayad ako ng mahal.

Oo, UP ang pangarap kong unibersidad. Kumbaga sa isang manunulat, yun ang Pulitzer.

Kaya, tulad ng titulo ng sulating ito, naitanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan naming tatlo (ako, Elcee at Pia) ang kagandahan ng UP (kahit na may mga naglalampungan sa mga madidilim na sulok):

Paano nga kaya kung sa UP ako nag-aral mula junior year hanggang graduation?

Sobrang daming magbabago.

6 thoughts on “Paano Nga Kaya?

  1. UP: Bayan. Pagiging Aktibista. Radikal. Maraming nagmumura. Masaya. Tamad na mga tao. Malaya. Walang pakialamanan, lalo kung walang org. Kalayaan. Rebolusyon. Walang itinatago. Lahat puwede. Iba’t ibang tao. Pagkakaisa. Pagkakaiba. Kahanga-hangang mga isip. Iskolar. At sa huli, bayan pa rin.

    🙂 Haha, at alam mo bang balak kong maki-aral lang din sa UP at lumipat ng Ateneo, ang pangarap kong paaralan. Pero sa iisang taon kong pananatili, ako ay nagmahal ng mga tao, lugar, panahon, pagkakataon, at lahat na sa aking unibersidad. At ngayong lilipat na ‘ko, merong kakaibang kalungkutan sa puso ko. Sana nakapagtapos man lang ako sa UP kong mahal. </3

    • Grabe, school pride to the max ka ah ❤ Syempre, magkakatalo dyan dahil mas mahal ko ang Ateneo, kahit pa napakaraming pwedeng punahin sa unibersidad ko. Pero yung sinabi kong maraming magbabago, ‘di talaga tungkol sa magiging kaisipan ko, o sa eskuwelahan na mas mamahalin ko.

      Basta. Kwento ko na lang sa e-mail ko sayo haha 😛

  2. Eh ako parang mas “okay” na nag-Ateneo ka, bechay. Ito ay opinyon ko lang naman dahil miski ako gusto kong mag-aral ngayon sa Ateneo. 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s