Anesthesia

May mga bagay talaga na madaling sabihin kaysa gawin.

Sana pwede na lang na kapag inilagay mo yung buong isipan mo sa isang  bagay na gusto mong gawin, mangyayari na lang. Yun bang di na makikigulo si puso. Wala nang emosyon na makikihalubilo. Rasyonal lang na pakikitungo.

Pag automatic na ang luha tuwing naghahating gabi…

Pero ano ako, robot? Walang pakiramdam? Kaso yung pakiramdam masyadong mapanlinlang. Di naman porket iniyakan mo, tama. Di porket nasasaktan ka, tama. Di rin pwedeng gamiting compass ang emosyon e. Wala kang patutunguhan. Baka bumalik ka lang kung saan ka nagsimula.

Pag imposibleng napatawa at di na madapuan ng ngiti…

Di rin nakakatulong na makinig sa malulungkot na mga kanta. Seryoso, kung malungkot ka na nga, bakit palulungkutin mo pa sarili mo? Ano ako, hilo? Baka kung saan pa ako dalhin ni kalungkutan, mahirap na.

Kanino pa kakapit? Nang maitangay sa kalayaan ng ligaya?

Gagawa nga ako ng listahan ng mga kantang dapat pinapakinggan ng mga malungkot at nasasaktan. Mga kantang nagdadala ng kagalingan. Mga awit na nakakapagbalik ng ligaya sa puso.

Kanino pa magtitiwala? Tuwing mangangailangan?

Parang naka-isang buwan na, nasa starting point pa rin ako. Mukhang may mali sa ginagawa ko. Ayoko na. Pagod na ako. Sarap sumuko. Di na ako umalis kung nasan ako. Di makawala-wala. Kailangang luhuran ulit ‘to.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s