“Di ba’t pangit siya na enerhiya?”

Naalala ko nung isinama ako sa pageant nung 3rd year high school ako. Tinanong kami kung anong paborito naming motto. Bilang wala na akong ibang maisip, ito sinabi kong paborito ko (hindi naman super paborito, sakto lang):

The only constant thing in the world is change.

Hinanap ko kung kanino yan galing, at isang Isaac Asimov pala  ang nag-quote nyan. Ito o, mas kumpleto:

The only constant is change, continuing change, inevitable change, that is the dominant factor in society today. No sensible decision can be made any longer without taking into account not only the world as it is, but the world as it will be.

Pagbabago. Araw-araw, may nababago sa atin. Sa sarili: haba ng buhok (at mga kuko), lakas ng appetite, irregular Girl Days. Sa pangkalahataang lebel: presyo ng langis at pamasahe, palitan ng Dolyar at Piso, girlfriend ni Noynoy. Ano man ang nagbabago, ang punto lang e mayroong nagbabago.

Maging mga emosyon. Naku, lalo na ang emosyon. Sabi nga ng ex-bestfriend ko nang magsulat siya sa likod ng first ever Bible ko: Don’t let your emotions takes you over (kahit wrong grammar). Kasi kapag pinagana mo ang emosyon mo at hindi yung rasyonal, naku, katakot-takot na sakit ng ulo (at puso) ang mararanasan mo.

Pati mga tao nagbabago. Haynako! Kung alam niyo lang ilang tao sa buhay ko ang nagbago, to my disappointment. Di mabilang sa mga daliri ko sa paa’t kamay ang mga taong nang-iwan sa ere, nawalang parang bula, o simpleng ayaw ka na lang talaga maging bestfriend (hello, ex-bestfriend).

Kadalasan naiinis o nagagalit tayo kapag nagbabago yung mga tao sa paligid natin. Hindi ito yung “change for the better” na lagi nating wish tuwing hinihingan tayo ng birthday message,  ha. Ito yung “di na kita kilala” kind of pagbabago. Yung nakakakulo ng dugo. Yung nakakabaliw. Di mo alam anong gagawin sa kanila kasi wala ka namang karapatang magreklamo na nagbago, but at the same time nagrereklamo ka nga. It’s not the same.

Pero maiinis ka pa kaya kung ikaw mismo yung nagbago? ‘Wag mong sabihing never-changing ka tulad ni Lord? Kung may pagdududa ka pa na pwede kang magbago, refer to the quote above. Only two things are constant in this world: God and change.

Nagbabago ka, at hindi lang sa pisikal. Pati ugali, pag-iisip, pananalita, lahat. At kung mismong ikaw e nagbabago, anong karapatan mong magreklamo sa ibang tao dahil nagbabago sila? ‘Wag nang magturuan. Bago mo pa maituro yung kaaway mo dahil nagbago siya, naisip mo bang nagbago ka muna dahil tinuring mo siyang kaaway sa halip na kaibigan?

Di ko alam kung may sense pa ‘tong mga sinasabi ko. Malamang sa malamang, wala. Ang akin lang naman e ito: Kung may pagbabago, ikaw man o ang ibang tao, yakapin mo na agad yang pagbabago na yan. ‘Wag ka nang manatili sa nakaraan. ‘Wag nang pahirapan ang sarili. Dahil kung magbago ka man, at least may isang Diyos na alam mong hindi magbabago kailanman. At yung Diyos na yun, Siya lang marahil ang tatanggap sayo kahit ilang beses ka pang magbago.

Tama na ang pagmumukmok. Walang magagawa ang pangit na enerhiya sa buhay mo. Hala, tigil na sa drama. Naghihintay ang mundong salubungin ka, at gusto niyang makita ang ngumingiti mong mukha.

Are you happy? > Maybe? > Dead End.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s