Sorry and thank you

Nakakatawa ang buhay, ano? Sobrang ironic lang ng mga nangyayari sa buhay ng isang tao. Sobrang saya mo isang araw, tapos sa mismong araw na yun biglang guguho ang mundo mo–all in a span of a kisapmata. Sobrang ironic lang ng mga nangyayari sa atin. Masaya, tapos biglang magkagalit. Angย bipolar lang. :)) Pero alam mo kung anong ipinagpapasalamat ko? Kahit pa inis tayong pareho, kahit sobrang nakakainis na paulit-ulit-ulit-ulit na lang nating nasasaktan ang isa’t isa, paulit-ulit-ulit-ulit parin tayong nagpapatawad.

Magaling lang siguro talaga akong magtago ng mga flaws pero sigurado akong napakarami kong nagagawang pagkakamali sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Kaya talagang mahalaga sa akin ang malamang naiinis ka man sa kakulitan ko at sa hindi ko pakikinig, hindi ka susuko. Dahil sabi mo nga, hindi naman ako yung tipong sinusukuan.

Sa parte ko naman, susubukan kong hindi ka na pasakitan pa ng ulo. Pero hindi ko ito maipapangako. Ang cliche mang sabihing “Dahil tao lang ako…” pero yun ang totoo. Magkakamali’t magkakamali ako, kaya nawa’y sobraaaaaaang humaba pa ang pasensya mo. Susubukan ko, dahil kailanma’y hindi naging maganda sa pakiramdam ang makita kang nahihirapan dahil sa akin.

Ikaw ang pinakamahalagang regalo para sa akin ngayong taon na ‘to. At hindi ka lang basta regalo, pagpapala ka pa. Kaya kung ano man ang gagawin ko pang pagkakamali sa hinaharap, sana panghawakan mo rin ang mga salitang ito:

The bad days will never outweigh the happy ones.

Yun lang. ๐Ÿ˜›

Advertisements

8 thoughts on “Sorry and thank you

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s