‘Di na natuto.

Unang sulat sa tagalog. Dahil Buwan ng Wika (tama?).

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong problema ko. Pero maniwala ka kapag sinabi kong hindi ko ‘to sinasadya. Ano bang mapapala ko kung sasadyain ko? Hindi ka matutuwa, hindi sila matutuwa, hindi ako matutuwa, walang matutuwa. Pero bakit nangyayari? Hindi ko rin alam.

Pero hindi ko naman pwedeng idahilan na hindi ko kontrolado, dahil magsisinungaling ako kung sasabihin ko iyon. Hindi ko rin pwedeng sabihing “Tao lang ako, nagkakamali” dahil maiinis rin ako kung idadahilan sa akin iyon nang kahit sino.

Wala akong dahilan. Pero bakit nangyayari? Hindi ko rin alam.

Sana maayos ko rin. Ayoko na kasing isipin ng iba na wala akong pakialam. May pakialam ako. Hindi ko lang siguro maipahiwatig ng maayos, o maipakita sa tamang paraan.

Naiintindihan mo ba lahat ng nakasulat dito? Kung oo, marahil nagawa ko rin sayo ito minsan, sa nakaraan. Patawarin mo ako. Bakit nangyayari? Hindi ko alam. Pero sana maayos ko. Dahil ayoko nang makasakit pa ng iba.

Paulit-ulit na lang. ‘Di na natuto.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s